ReviewReviewReviewReviewReviewABNKKBSNPLAKO?!Jun 20, '08 6:27 AM
for everyone
Category:Books
Genre: Comics & Graphic Novels
Author:Bob Ong
Para sa akin, six stars ang rating ng ABNKKBSNPLAKO?!

Sa Zamboanga City ko pa nabili yung kopya ko nung libro ni Bob Ong. Sinamahan ko kasing bumili ng magazine yung ka-opisina ko sa Check Book bookstore isang araw.

Bakit ko binili? Sa tatlong kadahilanan. Una, kulay luntian ito at favorite color ko yun. Tapos, maliit at manipis yung libro; nakaka-engganyong basahin. Pangatlo, na-intriga ako sa pamagat. Pa'no ba 'to basahin?

"Curiosity kills the cat" daw. Totoo, dahil halos mamatay ako sa katatawa sa librong 'to

Pero, buti na lang, binili ko s'ya. Kasi, nung nasa Jolo, Sulu ako noong narakaraang linggo lang, napilitan akong mag-mongha kasama ang aking kaibigan (na researcher din), sa loob ng isang compound matapos ma-kidnap si Ces Drilon.

At dahil naglaho parang bula ang pag-asa kong makapagikot-ikot sa Jolo at matikman ang pamosong kapeng barako nila (na, di umano, ang kapeng gamit ng Starbucks) nang dahil kay Ces Drilon, napagbalingan ko ang librong ABNKKBSNPLAKO?! Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong.

Tungkol ito sa academic journey ng may-akda. Habang binabasa ko ito, para na rin akong nag-journey pabalik sa sarili kong school life. Yun na lang, nag-mukha akong babaeng may tililing sa aking mga kasama, dahil sa katatawa nang nag-iisa.

At sa sobrang tuwa, iniwan ko ito sa isang ka-opisina sa Zamboanga. Share the fun, ika nga nila. Ngayon, siya naman ang may tama. Eto pa, sa gabi niya binabasa...

At kung babasahin mo ang libro, maiintindihan mo kung bakit ako nag-Filipino sa book review na ito.


Photo: Libro ni Bob Ong (nakaka-stress i-type yung title) na kinunan ko ng picture sa ibabaw ng kama ng kwartong tinutuluyan ko sa Zamboanga.


mamaradlo wrote on Jun 20
ReviewReviewReviewReviewReview
Favorite ko din to te joy.. Actually, gusto ko style ng pagsusulat ni Bob Ong. Check his other books as well.. Siya nga naging inspirasyon ko sa pagsusulat ng Tagalog e..

The best ang kwentong chalk.. the best ang public school experience natin!
Comment deleted at the request of the author.
gayzelc wrote on Jun 21
"i finally discover how to read" the title, NKKTW TLG...hahahaha =)
aymia wrote on Jun 21
san ko kaya makakakuha ng same book? dito sa manila? ty.
korg3178 wrote on Jun 21
aymia said
san ko kaya makakakuha ng same book?
I'm sure there are copies sold here in Manila; I just don't know which bookstore. I found it at the "Humor" section.
mamaradlo wrote on Jun 22
Meron sa NBS at Powerbooks - look sa Pinoy author section. You may ask at the counter if ever gahol sa oras maghanap and i'm sure they will be able to redirect you. Sikat na yung book na yan =)
Add a Comment
How would you rate this book? (optional)
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help